Tuesday, February 2, 2016

Statement from UST head coach Bong dela Cruz

In light of the recent issues that have involved the University of Santo Tomas, men's basketball head coach Bong dela Cruz released this statement.
Nais kong ipabatid na simula nang lumabas ang mga "issues" o usapin laban sa akin ay nagpasya akong manahimik, dahil walang katotohanan ang mga binabatong "issues" laban sa akin at naniniwala ako na magtatapos ito sa tinatawag na "Natural Death," subalit sa paglipas ng mga araw ay naramdaman ko na lumalala na ang ginagawang paninira hindi sa kakayahan ko bilang coach kung 'di paninira sa aking pagkatao.

Alam ko sa aking sarili na malinis ang aking konsensya subalit mas pipiliin ko na kung kinakailangan ay sa tamang lugar o sa proper forum ako magsasalita upang maipahayag ko ang aking panig.

Lubha kong ikinalulungkot ang mga nangyayaring kaganapan dahil bukod sa akin, ang aking pamilya ay lubha nang naaapektuhan sa nangyari na trial by publicity, dahil alam nila kung paano ko ibinuhos ang aking panahon, oras, at dedikasyon bilang Head Coach ng aming koponan.

Sa katunayan, bago mag-umpisa ang Season 78 ng UAAP Men's Basketball Tournament ay walang naniniwala na ang aming koponan ay makakarating sa Final 4. Subalit bunga ng pagkakaisa ng buong team kasama ang Coaching Staff ay nakarating kami sa Championship higit pa sa inaasahan ng nakararami.

Umaasa din ako na sana ay hindi na madamay pa ang aming unibersidad na ang tanging hangarin lamang ay ang kapakanan ng kanilang magaaral.

Umaasa ako na sana ay igalang ang aking desisyon.

Lubos na gumagalang,

(sgd.)
Segundo "Bong" dela Cruz
Head Coach, UST Men's Basketball Team

(actual statement below)

No comments:

Post a Comment